Sa Darating na mga Guro
Sa Darating na mga Guro
Marahil ay hindi pa natin alam kong ano ba ang ating daratnan,
May mga pumipigil sa ating isipan kong bakit ito ang napiling pag-aralan,
Ang mga salita ng ating magulang na pilit nating pinagto-onan,
Na tayo'y karapat dapat tumulong sa lipunan,
May mga makabagong tema na kasalukuyan nating tinatamasa,
Patungkol ito sa mga makabagong henerasyon ng mga bata,
Pilit nating aralin ito upang hindi tayo mapahiya,
Sa mundong puno ng kababalaghan at sa mga taong walang awa,
Sama-sama nating abutin ang ating mga pangarap,
Upang tayo ay maka ahon sa ating paghihirap,
Tulungan natin ang mga batang musmos na walang pangarap,
Upang magkaroon ng puwang ang kanilang hinaharap,
Ikaw,ako,tayo ay maghawak kamay,
Sabay-sabay nating buohin ang kanilang tagumpay,
Upang wala ng batang palabuy at pasaway,
Para sa ikabubuti ng kanilang buhay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento