Sa Daating na mga Guro
Sa Aking Mga gurong Kamag-aral
Datapwa't tayo'y may isang adhikain lamang,
Ang makapagtapos upang matulungan ang ating mga magulang,
Marahil ay hindi hinggil sa inyong isipan,
Kung kayo ay ipinanganak mayaman,
Ako ay isang simpling mag-aaral,
May munting pangarap na binuo at marangal,
Gustong tapusin upang mabigyang dangal,
Ang aking magulang na pilit akong pina-aral,
Hindi madali ang maghanap ng salapi,
Upang may mai-tustus sa aking sarili,
May kaakibat na dugo at pawis ang bawat sandali,
Ang mga magulang na nasa ibang bansa upang mga atubili,
Tibayan sana natin ang ating mga damdamin,
Tulungan natin sila ating mahalin,
Ibigin natin sila at pagsilbihan,
Upang makabawi tayo sa kanilang pinaghirapan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento