Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2018

Sa Daating na mga Guro

Sa Aking Mga gurong Kamag-aral Datapwa't tayo'y may isang adhikain lamang, Ang makapagtapos upang matulungan ang ating mga magulang, Marahil ay hindi hinggil sa inyong isipan, Kung kayo ay ipinanganak mayaman, Ako ay isang simpling mag-aaral, May munting pangarap na binuo at marangal, Gustong tapusin upang mabigyang dangal, Ang aking magulang na pilit akong pina-aral, Hindi madali ang maghanap ng salapi, Upang may mai-tustus sa aking sarili, May kaakibat na dugo at pawis ang bawat sandali, Ang mga magulang na nasa ibang bansa upang mga atubili, Tibayan sana natin ang ating mga damdamin, Tulungan natin sila ating mahalin, Ibigin natin sila at pagsilbihan, Upang makabawi tayo sa kanilang pinaghirapan.

Sa Darating na mga Guro

Sa Darating na mga Guro Marahil ay hindi pa natin alam kong ano ba ang ating daratnan, May mga pumipigil sa ating isipan kong bakit ito ang napiling pag-aralan, Ang mga salita ng ating magulang na pilit nating pinagto-onan, Na tayo'y karapat dapat tumulong sa lipunan, May mga makabagong tema na kasalukuyan nating tinatamasa, Patungkol ito sa mga makabagong henerasyon ng mga bata, Pilit nating aralin ito upang hindi tayo mapahiya, Sa mundong puno ng kababalaghan at sa mga taong walang awa, Sama-sama nating abutin ang ating mga pangarap, Upang tayo ay maka ahon sa ating paghihirap, Tulungan natin ang mga batang musmos na walang pangarap, Upang magkaroon ng puwang ang kanilang hinaharap, Ikaw,ako,tayo ay maghawak kamay, Sabay-sabay nating buohin ang kanilang tagumpay, Upang wala ng batang palabuy at pasaway, Para sa ikabubuti ng kanilang buhay.